Pistang Nayon sa UA&P noong Agosto

Pistang Nayon sa UA&P noong Agosto

by UA&P News Desk on September 16, 2011 - 3:17 pm

Isinulat ni Ms. Moreal Camba, Departamento ng Filipino

Matagumpay na ipinagdiwang ng Departamento ng Filipino, kasama ang buong kumonidad ng UA&P, ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa. Samut-saring gawaing akademiko at kultural ang inihanda ng Departamento para sa kanilang mga estudyante, kapwa guro, at kawani, upang mahalin at ipagmalaki ang wikang Filipino. Opisyal na nagsimula ang selebrasyon noong ika-10 ng Agosto.

Humabi ng mga salita at lumikha ng mga talinghaga ang mga mag-aaral ng Filipino 101 at 103 sa Patimpalak sa Pagsulat ng Tula at Sanaysan noong ika-10 ng Agosto. Napuno naman ng luha at tuwa ang Dizon Auditorium no0ng ika-`7 ng Agosto nang ipalabas ang pelikulang Lola ni Brillante Mendoza.

Lalp pang naging makulay ang selebrasyon nang magtanghal ang Freshman Block, kasama ang klase sa Filipino for foreign Students, ng mga sayaw, awit, at dula-dulaan noong gabi ng Agosto 26 sa Li Seng Giap Auditorium. Bumigkas naman ng sama-sama ang siyan na Mataas ng Paaralan ng kalahok sa Patimpalak Sabayang Pagbikas noong Agosto 24 at 31. Tinanghal ang St. Paul College Pasig bilang kampeon.

Sa susunod na taon, ang Patimpalak Sabayang Bigkas ay lalo pang magiging kasiya-siya para sa mga taga UA&P at kaakit-akit para sa mga high school na kalahok dito.

Nagsara ang selebrasyon noong tanghali ng Agosto 31 nang magsalu-salo sa lechon, menudo, inihaw na isda at ibang putaheng Pilipino ang buong komunidad ng UA&P sa isang Pistang Nayon. #

Bookmark and Share

Share this page: